Tuesday, April 22, 2008

Pipit na Lyre


Para sa pagod na gurong si Lyra.

Pipit na Lyre

Parang isang pipit na ibon, ang pangalang lyre.
Na sa kanyang huni, gusto'y sambit nya ay
maging awit na magbibigay sigla sa lahat.

Ang kanyang KTE, ay kanyang ginuhit na tila awitin.
Sigla at gabay ang mungkahi sa mga nakiki-KTE
Mula Pinas hangang sa dakilang mundo.

Ngunit bilang isang ina, di lamang KTE ang araw-araw nya.
May 2 anak, may isang asawa, at mga mag-aaral pa siya.
Sa dami ng landasin, nakakapagod na nga ba?

Mundo ay malaki. Di kayang balikatin ng sarili.
Maraming tao, may kanya-kanyang kulay, may kanya-kanyang kilatis.
Wag kang padala dahil di mo alam ang naging sitwasyon din nila.

Ako man binaggit mong may snob na oras sa iyo.
Sarili kong sitwasyon, nakakaapekto din sa mga pagbibitaw ko ng salita.
Buti at may bigay na oras ang Maylikha, na nililipas at limutin na lang mga nangyari na.

Lyre kong pipit. Ituloy mo ang awitin mo.
KTE moy masigla, makulay at nakikita ng munduing madla.
Ngayon pa? Saan ka na? Umawit ka pipit na Lyra.

(taghoy ni allan noong martes ng hapon)

1 comment:

Heart said...

wow.... thanks for bringing me here sir.