Thursday, November 22, 2007

Lapis ni Ka Dano



Di ko mahuli-huli sa pagbabalik-isipan ko kung kelan ako natutong gumamit ng lapis. Bago ata ako nag greyd wan e, hawak ko na rin ang lapis noon. Sa titser ba naman si papang at mamang na laging pukpok ang mga anak na mag-aral noon. Siguro, mga apat na taong gulang siguro ako noon ng inumpisahan kong humawak, maglaro at magsulat na rin. Hmmmmm......
Ngunit sa kolehiyo, pinag-aralin ko pa ring humawak at gumamit ng lapis noon e. Dwaring pencil nga lang na ang lead na gamit mo at talagang super fine din naman. Andoon ang free-hand strokes na ang hirap ba namang i kontrol ang kamay mong mag drawing ng vertical at horizontal strokes. Enhinyering kors kasi ang una kung sinubukan.
Pero may ibang lapis na rin ako ngayon. Ang pagsusulat ko ng mga krieyteb na sulatin at sanaysay ang naging lapis-lapisan ko ngayon. Nakakatuwa rin naman. Dito ko na lang isulat ang mga bagay-bagay na di ko na maipamahagi sa klasrum tulad noon. SAyang din kasi ang mga magandang pananaw na naging katas ng pinag-aralan mo e.
Salamat at may bagong blog na rin ako dito. Nawa'y, tuloy-tuloy din ang araw-araw kung pagsusulat dito. Napapakinabangan ko na rin ang teknolohiya sa paglalapis ko ngayon. Salamt sa mga nag-imbento at nagdebelop nito.


























No comments: