Tuesday, November 27, 2007

Sanchez ng buhay ko




Binansagan syang Peace Ambassador ng UPF; sa akin syang kaibigang tunay sa letrang F.
Kapit-bisig ang dikit ng taong publiko sa kanya; sa akin sya's sa puso ko lamang sobrang lagkit.
Magkakapit-baryo man ang layo ng aming bahay, iisa lamang ang aming tunay na tahanan.
Ang mga-asawang Felix at Augie ay di iba sa aking damdamin. Matalas na paningin para sa kinabukasan, magkaparehas ang aming baybayin.
Kuya man ang tawag nya sa akin, sya't ang kanyang asawa'y di iba sa aking pakikipagkapatiran, usapan at talasan. Kulang lamang sa amin, ang pag-isahin ang pangalan namin.
Inumpisahan nyang mag lakad-lakad bitbit ang bag puno ng Philips. Pakikipagsapalaran, mabuhay sa ilalim ng araw at init makabenta ba lamang kahit kunting philips.
Nang siya'y sumangguni, di gaanong iba ang plano nya't sa akin. Pinag-isang layunin, tawag ay Vision na babalikatin. Ginawang larawan, mithiin ni Felix, ng Filipino at naging Fil Vision ang landasin.
Sa unang taon, may ginawang goal na aabutin. Pangalawang taon, ito'y kanyang tatalakayin. Pangatlong taon, may landas na sya'ng kanyang tutunguhin.
Nobyembre bente-siyete, nalaman kung ama nya'y sa aksidente wakas na di alintana'y dumating. Tribo't mundo nya'y biglang napasindak sa di inaasahang pangitain.
Ano ba ang atin sa buhay na daladala natin? Dyaket ko'y pulot basurahan ng galing. Pantalong suot ko'y regalo ng kaibigang may damdamin. Sapatos ko'y bigay ng dati kong kamag-aral din.
Katawan na eto'y galing sa binhi ng magulang natin. Ang akin lamang sa eto, kaluluwang sa pagwakas ko lamang sasarilihin.
Wakas ng buhay sa mundong ibabaw, di katapusan ng sino man sa atin. Paghihiwalay ng katawan, kaluluwa'y kailangang bumalik, sa nagbigay ng buhay natin.
Wag na nating bawiin, ang matagal nang inaantay ng Diyos na pagbabalik ng isa man sa atin. Pipigilin mo pa ba, kung ang sasalubong sa kanya'y Diyos na nagmamahal at sabik na sabik sa pagbabalik natin?
Sanchez ng buhay ko, iisa ang layunin at landas natin! Ingiti mo na lamang paalam kay tatay na maagang napalisan. Andyan pa ba naman, mga responsibilidad na di dapat maiwanan.
Kaya mo yan kaibigan. Dito lang naman kami sa iyong kinatatayuan.
Paalam mahal naming tatang! Kitakits pa rin tayo sa iyong patutunguhan!

No comments: