Thursday, November 22, 2007

Sa Zenkoji Temple ng Nagano




Kung may mga katedral na matatayog at klasik nga ba ang simbahang Kristiyano, ang mga Buddhists naman sa Japan, lalo na sa Nagano ay may malaki at luma pero matibay na templo. Eto ay ang kanilang Zenkoji Temple.

Minsan, kahit na nga malamig, niyaya kami ni misis na maglakad at pumunta sa Zenkoji. Mga 2 kilometro din ata ang nilakad ng buong pamilyang kadilak lamang ang kaya. Aloiti desu!
May daan-daang taon na rin daw ang Zenkoji temple. Mga 400 na daang taon na rin daw eto tapos mareper ng eto ay masunog noon. Ngunit ang isang bagay na gusto nila ay ang pigura ni Buddha na gawa sa kahoy na di man lang nasunog noon. Magpahanggang ngayon, eto ay andoon pa rin at dinadalaw ng maraming tao.
May nasa loob at nakatagong imahen at susi sa ilalim ng templo. Bihira man lang daw etong mabuksan pero pag nadalaw at nakita at nahipo mo ang imahen at susi, yon na rin daw ang susi mong mapunta sa langit.
Malaki ang templo. Iba nga lang ang pananampalataya nila pero, nakakapagbigay liwanag din upang maintindihan ang kanilang pananampalataya kung etoy iyong pag aralan at tingnan.
Sa Biyernes, araw ng manggagawa dito sa Japan. Ang Zenkoji ay may nakaprogramang mini-pestibal para sa mga kabataan. Nawa'y di malakas ang ulan o isnow bukas para madala ko ulit ang mga bata at pamilya doon.
Abangan ang aming pagbabalik sa Zenkoji!!!!





No comments: