Saturday, November 24, 2007

pugad ng hapon: danchi

Kapag apartment tawag nilay apato. Kapag goverment housing, tawag nila ay danchi.

Dito kami namumugad sa gusali na ginawa ng Nagano prepektyur para sa mga manlalaro noong 1998 Winter Olympics na ginanap sa Nagano, Japan noon. Wais din ang gobyerno nilang, ginawa na rin etong government housing na pinaparentahan nila sa mga hapong walang tahanang matirhan sa Nagano.



Salamat sa Nagano prepertyur na binigyan nila ng pansin ang aplikesyon ni misis ng magkaroon ng magandang tahanan ang limang lang namang hapong made in Pinas. Kahit medyo mas mataas ng konti ang renta keysa sa dati naming tinitirhang apato, medyo mas maganda na rin ang lawak at pasilidad nila dito sa Yanagimachi danchi.
Lina kayo! pasyal kayo dito!

No comments: