Di ko alam pa ang iba. Pero minsan sa Dumagete ata yon, nakita kong isang tao at lalaking German na baog ata at di nakakaanak ay pumitas ng dahon ng aloe vera, pumunta sa banyo at di ko na alam ang ginawa.
Dito sa Japan, ng mapaso ang anak ko sa hinawakang parte ng fire-place, dahon ng aloe vera ang pinampahid ng lola nya ng wlaa siyang makitang ointment dito.
Pero sa aking sorpesa, may bulaklak din pala ang halamang aloe vera. At dahil perstaym kong makakita ng bulaklak nitong sumisibol pa lang, eto at nakunan ko din nang larawan ang aloe verang eto.
Kung sana namukadkad na eto, pero pagkakataon lang kasi na masilayan ko ang sumisibol pang eto. Sa hugis nya, tila maganda din ang bulaklak nito.
Kayo, nakakita na ba kayo ng bulaklak ng aloe vera? Sheyr naman plis.
1 comment:
First time ..what is the meaning
Post a Comment