Tuesday, January 8, 2008
Kapihan: Nyu Yirs Resolosyon
2008 na. Ano bang bago? peudeng gawin para magbago? Wag na muna yong sa turong simbahan na aydiyal at langit palagi ang pinag-uusapan. Nasa lupa pa naman tayo. Yong reyalidad na muna. hehehehe!
Kahapon buong araw ang mga liderato sa ets-kyu at nag meting. Pero umaga hanggang hapon puro powerpoint presentations din ang nakita ko sa webcam ni igan. Sa gabi, diskusyon na sila. GPF 2008 na ang pinag usapan. Ahahahay..... bakbakan na naman sa unang gatsu ng buwang lintugan!
E andito ka sa bansa ng mga sakang. Papano ka makakagawa ng eport para sa bansang tinubuan? Talaga na lang bang patak-patak na parang buhay alkansiya na lang ang magiging misyon mo para kay Juan? Wag naman!
Sabi ni Pres. Aldz ang mga alumnay daw ay kanyang binida sa SAM (Strategic Alignment Seminar) nila noong nakaraang miting nila sa mga world leaders. Na dahil daw sa mga carp alumnay eh nabuhay and intrams senter. My gulay! Eh totoo naman at di lang intrams ang binubuhay ng mga alumnay. Etong BIR ng planeta ng sakang e buong Asya pa ang binubuhay dahil di lang naman pinas ang binibigyan ng mga lords sa kanilang buwanang patak-patak kundi hating kapatid nga daw sa lahat ng bansang sakop ng Kontinenteng Asya! Na hala! Por de sek of aders ngarud! Yan ang sigaw palagi e. Kung di ka ba nabingi sa Quirino grandstand noong Desyembreng pati si Pakyaw e sumigaw ng True Love Power na ang ibig daw sabihin ay lebing por de sek op aders! Hahahahahayyyyyyyyy buhay ng aders!!!!
Papano naman ang por de sek op mi? Baka maging sekli na lang ako nito sa tanang buhay ko?
Eto ang titirahin ng nyo yirs resolosyon ko.
Taong 2008, papaopera ako ng mabuhay pa at ng maka pag por de sek op aders pa rin in de pyutyor. In ader words, kelangang tingnan ko rin ang buhay ko. Di va?
Si ate last yir gineyera nya ang kanser nya. Si Manong nag nyo yir sa ICU! Si pangalawang manong nag nyo yir na may pang mentenans sa puso! Anak ka ng tipaklong. Mga lahing menteryohin ata pala tong lahing to?!?!?! Maalala ko ba naman si Papang. Pers strok lang, babay na agad! Oh my 2008! Magkano kayang gastusin ko nito?
At papano ba ang buhay dito? hangang Marso na lang ang shigoto at tapos na ang kurikulum noong Nobyembre pa! Naawa lang ata etong iskol at pinatapos na lang ako sa katapusan ng iskolyir! Lintugan!
Isa sa nyu yirs resolosyon ko, hanap ng pang dobleng insyorans. Di va? Nang may sasalong magbayad! Puede ba yon? Sensie, watashiwa genki desu. Insyurans kudasai!!!
Kanina, unang Martes sa araw ng basura ( holiday naman yong Enero uno e, yasumi. Walang naghakot.) Kahit sobrang lamig sa kapal ng isno, umikot ako sa mga basurahan. Baka sakaling may mapulot. Ang daming tambak. Mga iniwanan pa ata ng Diyembre at holiday na pinag nyo yiran ng mga sakang yon! Pero, wala akong ma-surplus e. Alang puede. Pero nang maglakad ako puntang shigoto, nakapulot ako ng isang suelas ng sapatos. Hehehehe... Naiwan ata ang takong ng sapatos ni sakang at sa kalsada pa!!! Hmmmm teka, lapit narin mapudpod etong takong ko. Eto. Pag nyuriran ka din nitong my belabed shoes na bigay ni Pres. Aldz. Tenks japs sa suelas mo! Por de sek of aders ka rin kamo!
Pero dream big daw e. Suelas lang ba ang dream mo? Dapat malakihang dream. Yong parang bangungot ba! Biruin mo, ang dream big ng Pinas e bilihin ang hotel Mirador! Tapos ikaw suelas? basura? My gulay ka naman!
Op kors. meron akong dream big. Pero sekret ko na rin yon. Kasi pag sasabihin ko sa iyo baka sasabihin mong tulog pa talaga ako sa kapapanaginip ko. Hiya ako tuloy. Kaya sekret ko na lang yon na kasama sa nyo yirs resolosyon ko. Okidok?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment