Thursday, January 3, 2008

Sweating with the snow!


Nagano- Tawagin ka ngang Mabikas sa pagbabahag mo sa Ifugao, baligtad naman na balot-na-balot ang katawan mo sa lamig ng isno dito sa Nagano ng Japan. Hosmeng limang sapaw na pantalaon at switer/dyaket ang suot mo plas bonit at skarp at globs, dobleng medyas at botas pa!!!! Ang bigat! Parang aparador na naglalakad!
Nabigla ang pamilya ko noong Disyembre 29 na ang ganda-ganda ng bukid at paligid, simoy ng hangin, palispis ng tubig sa ilog, mga halimuyak ng bulaklak at iba pa. Bagkus kinabukasan, biglang naglaho ng bagsakan ang palibot ng isno nang buong magdamag. Kinabukasan na lamang, puro puti na lahat ang palibot! Isno! Yelo! Lamig! Brrrrrrrrr!!!!


Sukat ng merkuryo ay sa babang minus 8 degree lang ba naman ang temperatura! Asus kang pinoy ka! Sanay ka sa init ng Pinas, mag bahag mag hubad, ng bigla kang manirahan sa lugar na isno ang lahat na kapaligiran.

Inumpisahan ni lolang mag dyaket, bonet at mag glabs. Niyaya si Joseph na tila eksayted ang loko. Na hala! Daladala ang plastik na palang mahaba at sinuyod ang isno sa bakuran, sa kalsada at i hulog sa mdeyo mababang bahagi ng bakanteng lote. Pero sa kapal na 36 sentemetro sa unang apat na oras nang araw na yon, kailangang mag suyod ulit tapos ng tanghalian.

Umabot sa 56 sentemetro kinahapunan ang yelo/isno. Di lang limang sapaw ang kailangan mo. Hagilap ng pandagdag saplot!

Sa loob ng bahay, di na maganda ang heater. Masakripisyo mo man ang amoy nga gaas, kulang pa rin ang init nya. Doon na sa ginawang fireplace ni lolo sa study room ng matanda. Mainit na rin doon. Makunsumo nga lang sa kahoy. Buti naman at masipag ang lahat mula sa pag sisibak, at pag akyat-buhat ng mga kahoy. Nakahanda si lolo sa kanyang mga pang winter na kahoy ata tuwing tag-winter na a.


Hala, pala, suyod kinabukasan dahil umabot na sa isang metro ang isno. Nagyelo na nag ilalim nya. Di na basta masuyod. Kailangan mo ng gumamit ng bakal na piko para bitakin ang nag yelo at tumigas ng ilalim ng naimbak na isno. Hosmeng kapalaran. Talagang naturalmente kang paglinis ng palibot mo. Kung hindi, ikaw ang maninigas kahit nasa loob ka ng bahay. Di ka maka alis at wala kang dadaanan kung di mo linisan ang kalsada sa harap ng bahay mo. Batas din nila na obligado kang mag linis ng isno sa panahon ng winter dito.

Malamig man ang panahon ng winter, magpapawis ka sa paglilinis ng isno/yelo dito. Sisiponin ka man sa lamig, maninigas ang sipon mong di na rin tutulo dahil tumigas na rin sa bunganga ng ilong mo! Asus kang sipon ka! Kulangot na di naman!

Magbihis ka ng lahat ng damit sa aparador! Magpala ka ng isno! Matapos yan, saka ka mag "opuro" o magbabad sa miinit na tubid sa bat-tab. Doon ka palipas ng oras para bumawi ka sa init nito!

Gusto mo ng isno?




No comments: