Friday, January 18, 2008

Dasalan 2


Mapaglikhang Ama ng sanlibutan,
Sa inyo ko po gustong ipaabot ang mensaheng eto. Medyo matagal man na di tayo nagkakausap ng matino, sana, sa ngayon ay mapaabot ko ang tinitibok ng puso ko.
Sa mga nakalipas na linggo, medyo lubog din ang katawan ko sa dinarama ko. Ngunit di pa naman ako bumibigay po. May pananampalataya pa rin akong, gagaling at susuko rin ang mga maruruming ewan na palaging bumubuntot sa aking kalusugan. Patawad po.
Ngunit ng malaman ko na sa aming simbahan ay medyo makulay at madugo din ang mga nagiging pangyayari, tila di ko mapalampas na di sumangguni sa inyo.
Tila madami rin siguro ang mga kaluluwang nag papalakpakan nang ang isang lider na Filipino ay natawag upang maging isa sa apat na lider lamang ang magbigay pugay sa Tanging Magulang at sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbigay bow diretso sa Kanila. Dalawang Koreano, isang Hapon at isang Pinoy. Tila ata, matunog ang bansang Pilipinas sa ngayon matapos ang kapitapitagang GPF sa Manila.
Ganoon pa man, sanay di magbigay abala o problema sa mga Kontinetanl Direktor ang naging ehemplo ng Manila tungkol sa GPF. Kung eto nga bay modelo, di naman kailangang tumbasan siguro ang mga naging makulay at tagumpay ng GPF sa Manila.
Lord, tanong lang po. Bakit sa kabila ng pagdakila ng TP at ng kanilang mga anak sa GPF, bakit kailangang lait-laitin at sigawan pa ng isang lalaking koreano ang mga lider ng Pinas? Masakit na po ang mga naging sakripisyo doon. Pinag dadasal na rin po namin ang mga kakulangan kung bakit di man naging perpekto ang mga ginawang palno at pamamalakad ng GPF. Ganoon din po ba ang kapalit sa mga pagdadakila ng mnudo sa tagumpay na yon?
Bakit po, kailangang kahit sa telepono ay tatawagan pa ng koreano at pagagalitan ang isang Pinoy na lider sa oras ng tulugan na ilalng oras na nga lang. Wala na rin po bang dapat na magandang liwanag na maiabot sa mga liders po ang mga lider ng konteneto? Tuloy, di na nakatulog ang lider naming pinoy. Napasugod na lang sa isang simbahang katedral at doon na umiyak magdamag. At kinaumagahan e, mga mata nyay maga na lang.
Sana po, sa halip na sigaw at panlalait, sana idaan na lang nila sa propesyonal o maka-magulang na paraan ang kanilang gustong sasabihin, lalo na kung nasa pagtitipon din lang silang lahat.
Sana po, wala na lang ang mga husga-husga. SA Evalaution naman po, dapat lang na makita ang mistakes, weaknesses at strengths ng tao o organisasyon. Di po ba?
Salamat po sa time nyo po ha. Sa uulitin.
Amen

No comments: