Sabado ng umaga tumawag si lola. Darating daw sila ni lolo bandang 8:30 ng umaga sa bahay at may dalang mga gulay at prutas galing Ogawa! Wow!!!! Tamang-tama at hapyukai nina Ricah at Julie sa kindergarten nila sa 9:00 ng araw na yon.
Talaga naman! Bihira na ngang makadalaw ang uugod-ugod na ngang lolo (under rehabilitation pa sa half-paralysis nya) siya pa ang nag drive ng elf na sasakyan nila. Ang rayumahing lola naman, ang daming binalot na mga gulay at prutas, at may bigas pa!!! God bless you grandparents!
Sino ba ang di matutuwang apo na dalhan ka ng masanas, kaki, oranges ? May siopa-hapon pa at mga tsitsirya! Wala na akong masabi sa pagmamahal nitong dalawang matatandang eto sa mga apo nila!
Dinala ko si obachan sa kindergarten o hoikuen ng 2 kong dalaga. Nang makita kami ni mrs, ayon, dinala na nya ang matanda sa tabi niya at 3 oras na nakaupong-hapon at nanuod ng stage plays ng mga bata. Endyoy naman ang matanda sa mga role plays ng 2 niyang apo. Nanuod din ang 3 boys sa mga kapatid nila. May kantahan, sayawan, at 1-act plays din naman. Di ko mapigilan ang mag emote ng makita ko ang mga grabeng skills ng kanilang mga sensie sa back stage. Pati na lang sa paggawa at paghanda ng dami-daming mga props nila, sobra na! Wala ba namang lalaking titser sa hoykuen nila! Magkamail man ang mga bata, andoon pa rin ang mapusong pakikipagtapalan ng kanilang sensie sa role nila! May napaiyak at nag tantrum na bata sa last minute bago sa role nya, alalay pa rin ang sensieng kargahin ang bata at igatid sa stage. Huh!!!
Pagbalik namin sa danchi ng matapos na ang palabas, aba, lampas 12 na at kailangang mag handa ng lunch. Naku! May dalang mga lutong ulam pala si lola! Pati eskimono, may isang baldeng dala! Di ko na halos mapigilan ang ganitong pagmamahalan! Salamat po lola! Si lolo, ay may pinuntahang iba sa Ueda City at babalik na lang daw para sunduin si lola pago magtakip-silim.
Nang matapos ang lunch, pinakita ko kay lola yong album ng kanyang apo. Tuwang-tuwa siya ng makita nya ang matsuri nila kasama ang kanyang 2 apong babae, ang harapan nila na puno ng magagandang bulaklak na kung saan nag posing ang 2 dalaga. Nakita nya ang undukai piktyurs nina Ricah at Julie.
Nakisawsaw na rin ang mga limang apo kay lola sa pagbusisi sa album habang kumakain sila ng siopaw-hapon.
Salamat po sa dalaw nyo! At sa mga biyayang daladala nyo para sa mga apo nyo! Lolo, salamat sa pahabol na mansanas galing Ueda! Talagang paborito ko lang po yon dahil alang masanas sa Pinas e!
Babay po! Ingat sa maneho nyo! Ja ne!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment