Although far from Bauang this time, Tatay Florencio is heartily remembered.
Sa tuwing ako'y, at kung kasama ko ang mga kaibigan kong "agrarawot" kasama na ako doon, sadyain talaga naming sa oras ng kainan na kami mapapadalaw ng matikman namin ulit ang masarap na lutuing laging pinanghahambog nitong kaibigan naming si Felix. Sa lahat ng luto ni Tatay, kahit walang ajinomoto masasarap talaga. Pasensiya na pero "pinakbet" talaga ang paborito ko at sarap ang luto ni Tatay talaga dyan. Papano ngayon eto kabsat Felix? Dapat namana mo ang pagluluto ni Tatay!
Di man palakibo si Tatay kapag kamiy napapadalaw, pag makita lang niya kaming rumaragasa s pagdating, tatawagin na agad niya si Felix, at alam nyang ang anak nyang bespren namin ang aming sadya. Kung si mother naman ang unang makakapansin sa amin, nandiyan palagi ang kanyang motherly reception sa amin.
Nang mag umpisa ang Fil Vision, si Tatay din ang palaging behind the curtain lalo na kung may lakad ang mag-asawang Felix and Augie. Pero nang mag umpisa ang construction, specialty ni Tatay ang hollow-blocks production. Kaya kanya din ang supervision doon parati. Ngayon, hollow ang department sa hollow blocks. Hayaan nyo Tay, itutuloy pa rin ng Fil Vision ang inyong magandang pamamalakad doon.
Mag 70 years old na si Tatay sana ngayong buwang eto. Edad na talagang chapter ng Filipinong mag twilight galing lupa balik sa pinanggalingan. Huwag na nating pigilan pa ang pagbabalik ni Tatay sa Paraisong itinadhana sa kanya ng Maylikha.
Ni-request ko sa naunang kaibigan nating si Zinc Bacalares, na paki welcome naman si Tatay dyan with your Marching Angels' band. And guide him to where Tatay should be. At "daejuvu" ang sagot. No problem ika nga. Siya na raw ang aakyas mismo kay Tatay at mag seseminar din sila sa bagong buhay niya doon.
Sa December 15-16, my wife Chiemi san will be at Choengpyeong to liberate some of our ancestors, and I asked my wife to make a special liberation and blessing for Tatay Florencio M. Sanchez. Naka lista na ang pangalan ni Tatay and 100 days na may seminar sila with Dae Mo Nim and Heung Jin Nim sa kabilang mundo.
Tatay, last August ko huling natikman ang pinakbet nyo! Pero pagmagkitakits tayo ulit doon sa pupuntahan mo, pinakbet pa rin ang hihingiin ko sa inyo! Puede po? Okey lang kahit walang ajinomoto. Masarap talagang luto nyo eh!
Salamat at maligayang pagpanaw sa inyong maligayang patutunguhan!
Sayonara Tatay Florencio!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment