Thursday, December 6, 2007

Dasalan



Dear Lord, Salamat po sa mga pag-iintindi Nyo sa mga pasaway na nagagawa ko po. Lalo na ang pagiging kritik ko sa mga maraming bagay, katungkulan at sitwasyon. Di naman po ako talaga negatib po. Medyo lunod lang talaga sa sitwasyon na ang daming babayaran at sa realidad na talagang di sapat ang kita at ang mamahal ng mga gastusin. Buti pa nga ang ibang lords namin dito sa lupa, mga lords of the rings na rin sila, diamante pa! Tingnan nyo naman! Kahit piktur lang kumikislap pa rin! Pero okey lang yon! Di naman nakakain yon! Puwera lang kung ibenta nila yon!
Parang di ko lang po maintindihan na ako na pobre, e ang dami kung anak at inaalagaan. Lima pa lang naman! Habang may mga mag-asawa namang may kaya at mayaman na nga rin, pero wala pa rin silang anak. Sila malungkot dahil walang anak. Ako maraming anak, pero malungkot din dahil sa kakulangan ata. Ano ba yan? Pero op kors, masaya po ako at ang asawa ko nang gumawa kami ng anak, Kayo naman po! Nakakagigil po talaga eh! Pero sa ngayon po wala na atang pawer si manoy e! Ples naman po, paki balik yong labpower ni manoy, ang lamig-lamig ba naman gnayon po. Sige na o? Tila sitaw na rin ata! Sana po mabibiyaan din po yong mga kaibigan kong wala pang babes antil naw. Mahal ba naman ang gastos nila sa AI. Sana naman galingan naman ng mga doktor nila yong proseso para less sa gastos. Sabagay, enjoy din ata silang lahat sa mga kulikulikut sa ginagawa nila doon. Papano po ba yon Lord? ehe! Nakikisawsaw na man po ako. Patawad po. Tao lang po!
Hayaan nyo po, tipid-tipid pa rin etong si pobre. Lakad, isang ulam, recycle ng tubig galing sa ofuro puntang washing machine at pambuhos sa toilet, at kung ano pang magawa para kunting gastos.
Siyanga po pala, sana po, wag nyong ipagkaila yong mga basura sa malapit sa danchi na tinitirhan namin. Ang dami pong puede pa namang magamit doon. Sana okey lang po sa inyo kung mga pulot-basurahan lang ang kaya kong mapapagamit sa mga bata, ano po? Nililinisan ko naman po yon kahit papano. Si mrs lang kasi, ma pride pa rin! Daming ek-ek!
Sa kyukai po dito sa Japan, sana po medyo magkaroon naman sana ng magandang programa at totoong liderato na epekteb sa aydiyal dito. BIR pa rin ata ang sistema tulad ng dati e. Sana naman, di na awditor ang gagawin nilang paningin sa mga pinoy dito. Pero ok lang po yon kasi alam ko naman po na sila yong may posisyon at may basbas. Pero di ba may basbas din po kami ni mrs ko? Kung posisyon, ibang posisyon po kasi kami ni mrs e. Ehe! Sige na nga!
Salamat po sa smile nyo na pinamahagi nyo sa pamamagitan ng tatlong ibon nyo po. Ganda!
Oo nga pala, salamat po sa nakakatuwang panaginip ko sa kuya kong nag ala-mani pakyaw. Napahalakhak talaga ako noon habang natutulog. Buti na lang ako lang pala isa doon sa kuarto ko. Para akong sira ulo kung nagkataong may nakakita sa akin noon. Kahit sa tulog ko, pinapatawa nyo pa rin ako. Talaga naman kayo po. Pinaligaya nyo pa rin ako kahit sa panaginip lang.
Malapit na po ang dye-pe-ep rali sa Manila. Sana po walang Abu o Trillanes na manggugulo doon. Nakakainggit si Froilan na sekyu ni Hyun Jin Nim. Talaga naman po kayo o! Yong pogi pang anak ko, ehe anak Nyo pala, ang kinuha nyong didikit kay Sir Hyun! Sana saksis ang misyon nila at ang dye-pe-ep. Pasensya na po kung kunti lang yong tulong na maabot ko po. Pasaway lang po kasi ako e.
Si tatay Florencio Sanchez nga po pala. Bukas na rin ang send-off nya po. Papano po yon. Tila wala atang lider na makapunta doon. Si Ambasador Felix na lang ata doon sa Bauaung at La Union kasi. Si tabatsoy na Cesar eh nasa Manila na rin daw. Paki embreys naman po si Tatang Florencio po. Wala na tuloy kaming kusenerong masarap magluto kahit walang ajinomoto. Sana may makamana naman sa skils ni Tatay. Ples naman po, basbasan nyo naman ng mahaba-habang buhay pa ang mga Sanchez po. Mga hayblad po ba naman ata silang tulad ng mga Cadano e. Taga-Bauaung nga po, pero di ata kasi nagbabawang e! Sori po. Lasona kasi ang mas hilig namin po e. Ehe! pawer daw kasi yon! Totoo po ba yon?
Sige po, mahaba na ata etong dasalan ko. Sa uulitin po! Amen! Adyu! Adios!


No comments: