Pasko na naman aking sinta. Kahit tayo'y magkalayo, dalangin pa rin na ating makamit adhikain ninanais.
Malusog na ngayon, matagumpay na bukas at makulay na mga pangarap. Ito'y sama-sama sa paskong panahon ng ninanais.
Pag babalik-tanawin man, kaarawan sa sabsaban ng karnero ni Hesus ay tila napakadrama. Ngunit eto'y totoo. Siguro, naman maganda na rin ang buhay natin kumpara sa mga naging buhay ng holy family ni Hesus. Kung siya's sabsaban, may mga damo at karnerong nagbigay init sa malamig na gabi. Sa kabilang dako, kung tayo'y may napulot na puedeng maging saplot, dyaket, o kumot. magandang pamasko na rin ang iyon kumpara sa damong nagbigay init sa batang Hesus. Di ba?
Regalo ng tatlong wisemen, wag ng asahan. Santa Claus at reindeer, sa mga malls at tv na lamang. Hayaang magbigay sigla sila sa mga kabataan.
Kikislap-kislap na kkrismas tree, lantern na makulay, at kankaning masasarap, kasaysayan na lamang sariwain sa kwentuhan sa mga anak.
Ngunit may mga pagkakataon, na ang ilalim ng kwentong pasko ay dumarating din. Pagbibigay pag-asa, pagserbisyo para sa iba; pagbibigayan at pagmamahalan, eto ay ating damhin at sariwain. Sa mga pagkakataon, puede natin etong muling gawin.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!
No comments:
Post a Comment