Dream big daw kasi, kaya big ebent ang gustong mangyari. Na hala!!!
250,000 ang bilang na gusto sa mga dadalo sa pis rali sa Manila. At sa susunod na taon gagawing dos mil o dalawang milyon katao naman daw. Talagang big drim. Di ba?
Plano sila, dasal ang iba, at kaming nasa malayo, tanong at tanong lang naman. May iba namang nakikisawsaw din sa mga nilalakad. Mahilig sa papel. Ewan. Baka kardbord na makapal ang hilig at di lang ordinaryong papel. Hmmm....
Pero ang nakakaiba talaga, ay ang bad-dyet as yuswal! Beri bad dyet! Sa 360 ba naman na parang pitza pay na hahatiin e, 200 galing sa yopeip, 100 galing sa kommandong hapon at 60 galing sa pinas. Ganoon ang nakasulat sa paks na linggo-linggo atang pinapadala ng di lang iisang telepon pakser. Pero ang hatian na yan ay di lang sa 360 ha! Sa 360, 000 dolyares lang naman yan!!!! Eeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkksssssss!!!!!!
Hmmmmm..... tralala ang iba! Ako pa! Tralala ng pis-p0r-pis!!! Buti kung piso para sa pis!. Dolyar para sa pis! Lapad para sa pis!!!!
Ganito lang naman ang larawan dito sa lupang hapon:
Susuweldo ka ng kinse lapad kada buwan sa kontrata mong tagal na ngang nag-ekspayr, pero sa awa ng dyos ng hapon, di pa naman na judo o nasibak. Bubuhayin mo ang pamilya mong pito lang naman kami po, limang anak (multiplay daw kasi e) at 2 mag-asawa. Wag mo nang isali ang mga peyrent naming palaging humihingi ng pang gamot nila sa mga sakit ng matatanda't uugod ugod! Bawat buwan ganito: limang lapad para sa bahay, bills, tubig, gaas, kuryente at iba pa. Anim na lapad para sa pagkain, puwera ang bigas. Dalawa't kalahating lapad sa dalawang girls na nag kikinder. At yong 3 boys na nasa elementarya, ay di ko alam ang bayaran nila. Mama nila ang nakakaalam doon at di naman nya sinasabi sa akin. Di ko naman daw kasi maintindihan ang eksplenesyon nya. Libre man daw ng iskul, pero meron paring buwan-buwang enbelop na pinapadala ang iskul para sa binabayaran. Yong lants ata nila at mga workbooks. Pero di loang yan naman e. May kumon ang 3 boys at judokan pa yong isa. Buwanan din ang bayaran na di na bababa din sa 3 lapad sa Kumon. Ewan magkano sa judokan. Magkano na yon?
Ang pasahe araw-araw wala pa. Lakad na lang. Gamot para sa nagkakasakit, wala pa. E si-son ng mga sakit layk plu ngayon! Damit para sa nangangailangan wala pa. Tithes sa simbahan, hmmmm. Di ko alam kung binibigay ba ni mrs ang sinasabi ko'ng mag tithes siya. Pero ako sa simbahang Pinoy, bigay din naman ako a.
Ngayon, hihingian ka ng 10 lapad por pis!!! At tuwing may malaking ebent sa Pinas, sabihing naiisip din naman ng mga lords ang hirap pero di nila kuha ang kulay ng sakripisyo ng commando. Ang mahirap pa, sa tuwing may malakihang donasyon, ang mga tenk yu ata nila ay di man lang umaabot sa dulo ng unang nag-abot ng tulong nila!!!! Tila hanggang Tokyo lang ata! At kung meron mang paks, di mo man lang ma feel kung gaano ka totoo o ka warm ang pasalamat ng mga lords sa naabot mong tulong!?!?! Sori po!!!! Kailangan lang mailabas e. Baka ma pundi na kasi! Minsan, o di lang minsan, madalas pang kapag iakw ang gagawa ng panawagan p ara sa tulong ng mga nangangailangan, eh, ikaw pa ang dadakmain ng mga lords at sususpetsahang nag huhudas not pey raw! Ganoon ba yon dan? Dyos! payn-apol juice!!!!!
Kwentahin mo nga lahat yan! Mula sa suweldo mong kinse lapad maynus sa lahat ng buwanang gastusin, maynus sa hinihinging 10 lapad puwera pa ang buwanang tays nga daww!!! Kahit gred wan siguradong ang sagot ay "kanatbi baru wan"!! Santa klaws naman oo!!!! Unuso mo ang magbigayan, kaya!!! kahit walang maibigay! Bigay!!!Hosme!
Sino ba ang aayaw sa pis? Olrayt sa lahat yan! Di ba? Pero sino ang may pis op mayn sa ganyang piskal maters para sa bonggang pis rali?
Wag kang sumakay sa tralala ko, day..... Dalangin ko pa rin namang may magiging magandang daan pa rin ang big drim na pis para sa lahat! asus! adyo pala!
Isang tuwad! baw!
1 comment:
salamat sabi ni R ^_^
Post a Comment