Saturday, December 29, 2007

Year-ender ng Kapihan

Dalawang buwan pa lamang ang kapihan sa internet! At sa batang pag-umpisa nito, may sumagip na ring comments dito. Maraming teynks po!

Parte man ng buhay ko ang magsulat, ang pagba-blog ay bago din sa akin. Salamat sa friendster, sa multiply na kung saan ay dito ko nakita ang magandang kuwaderno sa pagsusulat. Nasilip ko lang sa shoutout sa isang friendster na may blog siya dito sa blogger.com na siyang nagbigay susi sa aking buksan eto. Dito nag umpisa ang Kapihan sa Internet. Ang blog ni Inday, ang kwentong barbero, Magkape tayo ay mga blogs na naging gabay din sa baguhang blogger na eto. Salamat po sa inyo.

Di pa man siguro gaanong malayo ang dalawang buwan, pero sa pagtatapos ng taong 2007, isang tsapter din lang ang kailangang i rap-ap ng sa ganoon ay mabuksan na rin ang panibagong tsapter ng kapihan.

Ang taong 2008 sa hapon ay taong 20. Sa pagkakaalam ko, eto'y bilang ng taong pag-upo ng emperor ng Hapon. Pero sa kalendaryo ng Intsik naman, eto'y taon ng daga!

Nawa'y nakapagbigay din ng magandang kulay ang kapihan sa internet sa mga di nakikitang nagsusubaybay dito.

Sa inyong lahat, kayo ay bahagi ng kapihan at para sa bagong tsapter nito, kayo ay inspirasyon sa bagong landasin. Naway maging holsam ang susunod pang mga kabanata dito.

Maligaya at manigong bagong taon sa lahat!

No comments: