Matapos ang mahabang prosesyon sa simbahan din ang tuloy. Plano-han, handaan, pag-iimbita, ag pag-ganap sa kapita-pitagang GPF, ang lahat ng tagumpay ay iniaalay sa Panginoong Ama. Salamat sa mga nagsipagdalo. Salamat sa mga panauhing pandangal, kay Pres. Hyun Jin Moon, kay Dr. King III at iba pa galing sa international at sa nasyonal leybel.
Sa mga ehekotibong siyang nagdala sa makulay at matagumpay na GPF 2007, sa board of organizers mula sa kataas-taasang komite, kina Dr and Mrs Kim, kina Mr. Aya Goto, kay Pres. Michael Zablan at ang kanyang mga estaf, ang aming taos-pusong pagpapasalamat sa inyong matagumpay na serbisyong totoo. Congratulations to all!
Sa mga ehekotibong siyang nagdala sa makulay at matagumpay na GPF 2007, sa board of organizers mula sa kataas-taasang komite, kina Dr and Mrs Kim, kina Mr. Aya Goto, kay Pres. Michael Zablan at ang kanyang mga estaf, ang aming taos-pusong pagpapasalamat sa inyong matagumpay na serbisyong totoo. Congratulations to all!
Sa mga taong nasa likuran ng puting tabing, marami lang pong di nakikita sa entablado, na dapat din lang palakpakan din ng madlang pipol. Nawa'y maisulat ko sila isa't-isa:
Pisikal in-tsards- mga tagabuhat ng mga libu-libong upuan. Isipin mong magbuhat ka ng 250,000 na upuan mula sa pinagrentahan puntang Quirino grandstand at pagbalik gn mga eto!! Hosme. Talo ata ang prosisyon ni Hesus daladala ang krus! Mga tagabuhat at taga arrange ng bangko, upuan, panday ng entablado at ibapa, mabuhay kayong lahat!!! Palakpak puso ko para sa kanila!!!!
Sa light-and-sound system naman. Eh kung, maputol ba o mawalan bigla ng kuryente ang sounds o ilaw sa gitna ng rally, anong mangyari? Mag black-out bigla at magpanic ang 250,000 katao! Anong mangyari? Malaking bagay at impotansiya ang kanilang pag meynten sa sounds, kuryente at teknikal na bagay! Kailangang eksperto ka talaga diyan! Mga taga sounds department, maraming salamat opo sa inyong nakakakuryenteng serbisyong totoo!!!! Salamat po sa inyong walang patid na serbisyo! Mabuhay kayong lahat!
Sa parada, ginisang mabuti ng mga pulis trapiko mula pa sa pagplano hanggang sa kahuli-hulihang nag martsa ang security komite. Buti na lang magkapatid ang mga Metro pulis, ang ROTC volunteers, nga barangay volunteers, ang mga martial artists galing sa Martial arts Federation for World Peace, at ang mga taga AFP din. Pasensiya po sa mga na apektahan sa parada, para sa kapayapaan din lang po ng lahat ang pinagwawagayway at sinisigaw ng mga nagmartsa. Sa mga naging trapikman, nabilad po sila sa araw, nauhaw, at naipit-ipit din sa dami ng mga tao, dami ng mga sasakyang gagarahe, at iba pa! Salamat po sa taos-puso ninyong paglilingkod. Wag po sana kayong magsawa kung para rin lang sa lahat at sa kapayapaan! Sa Crowd-control, security, transportation at iba pa, mula sa aming puso, bow kami sa inyong lahat!
Sa mga naatasan sa imbitasyon, sa PR (galing-glaling at guapo nyo pala sa TV at radio pala) at mobilisasyon, malawak na responsibilidad ang binalikat ninyo ilang buwan sa daan, sa paaralan, kolehiyo, unibersidad, sa mga barangay, sa city hall, at iba pa. Magastos, nakakapagod, init-ulan walang mintis, tuloy ang imbitasyon. Sa mga naki coordinate sa NSTP, sa coastal-cleaning, sa BKKB, sa DepEd at Ched, sa Manila Hotel, at iba pa, ang dami... hosme.... sangkaterbang i- organize mo ang mga eto. Kaya ko kayo yon? parang praktikal na rosaryohang trabaho talaga! Wala pang sueldo, boluntaryo lang! Wow!!!!! Pusong totoo! Magserbisyo para sa kapayapaan. Mag-imbita at maraming beses pang naiindyan ng target o nasasapawan ngibang apoyntment!! Waaahhh! Grabeng puso nila! Mabuhay po kayong lahat! Dumami pa sana ang inyong lahi!!!!
Anong tawag sa mga nakikipagnegosasyon sa mga conference halls, at rooms ng mga gaganaping conferences, tulugan ng mga bisita? Sigurado, hindi hotel or hall ang naging problema nila kundi pera!!! Magdownpayment ka ng maaga at kung hindi, sisibakin nila ang reserbesyon ng mga halls, rooms na gagamitin! Hihingi ka ng pera sa ingat-yaman. Di ka mabibgyan dahil tipid at kulang ang mga donasyon! Saan ka hahanap ng pangbayad mo ngayon? Hmmm, kelangan mo ang koneksyon sa mga meron! Di naman puedeng sa mga bank robbers!! Ehe. Joke lang po! Pero kung sasabihan ka ba ng ingat-yaman na self-help ang budget ng mga ibat-ibang conferences, ibig sabihin, kung conference ng students yon, WCARP ang magbayad, kung sa teachers, PTARP ang magbayad, kung sa good governance ang Barangay Fed ang magbayad!! Naks!!! Eh saan kukuha ng pambayad? Hosmeng langit naman!!!! Kanya-kanyang panreysing ba naman! Sa mga nabigyan ng ala-pinatubong problema, natapos na ang conferences at rally, bayaran tapos di pa!!! Naku, sinong igigisa??? Mga tagabayad ng libo-libong dolyares, naway tulungan pa kayo ng mga mahabaging langit at may puso!!! Kaya mo yan igan!! Ilang taon lang naman sa presohan! Ehe!! Wag naman! Palakpakan natin ang mga utang-ers, ehe, sila mga igan!!!!
Alam nyo ba na ang pinakamalaking intriga sa sekyuriti ay di lamang ang seguridad ng panauhing pandangal? May isang panauhin na dumating at kasama sa plano. Di lang siya binanggit sa mga imbitasyon at sa mga PR at papeles dahil sa kanyang security. Kapatid lang ba naman ng presidente ng Amerika ang taong eto! At sino ang in-charge sa siguridad ng mga bisita? Hmmm!! Madugo ang laban dyan! At dati na ngang kalbo ang in-charge dito, kinalbo pa sa binigay na katungkulan! Mga kasama nya, walang baril , walang bala! Suntok, sipa at mata lamang ang batuta nila! SantaBarbara de barbaridad ka! E kung matunugan ka? Isang bala ka lang! Purgatoryo ka na! Sumalangit nawa ang kanilang... hoy!!!!!! Buhay sila! Kompleto silang lahat! Tagumpay ang mala si-ay-E-hang intelidyens pors nila!!!! Wowww!!!!!!! Galing talaga ng Pinoy!!! Kalbo, bilib kami sa grupo mo! Saludo po kaming lahat ! Baw!!!!!!
Kodakers sila! Taga-dokumento ng kasaysayan! Kelangan di nila palampasin ang mga senaryong tila paru-parung bukid na huhulihin nila sa kamaynilaan! Tulis ng mata, di-naginginig na mga daliri't kamay! Siksikan, mauntog man, wag lang ang kamerang daladala. Mahal yan igan!!! At kung maleyt ka man, mai-request mo ba sa panauhing pandangal at sabihing, "sir, paki ulit at kokodakan kita muli"? Ano teyk tu! Buhusan kaya kita ng mainit na kape!!! Taga record, taga dokumneto, taga piktyur o kodaker! nawa'y nagampanan ninyo ng walang patid ang inyong sensitibong misyon! Maraming salamat po sa serbisyo publiko ninyo!
At oo nga rin pala! Nag TV broadcast nga pala ang isang TV station! Anong production ba yon? Di sila naningil, kasi alam nilang walang budget at bad-dyet talaga; puro volunteer services ang GPF. At ang mga entertainers din tulad nina Pops Fernandez at JayR at iba pa, maraming salamat po sa pakikiadhika nyo sa GPF. Sino bang kumontak sa kanila? Hmmmm ... tila si dabyana na naman ata dito! Para sa kapayapaan, serbisyong publiko di man bayaran! Bayanihan ang ugat at nakasulat yan sa kasaysayan! Salamat po sa inyong lahat! maligayang pasko na rin po sa grupo ni dabyanang sikat!!!
May isang grupo sa attendance. Sila ay mga nanay-publiko na syang naging nanny ng mga panauhing pandangal at mga international guests din! Marami ba naman sila. Kelangan, serbisyong di lang Pinoy, kundi standard ng langit ang attendace sa mga bisita!Naku, di ko kaya yan! Mga nar-es at weyt-ress ata ang maganda dyan! Hoyyyy!!! taong may puso, damdamin, dangal at listo ang mga naka asayn doon! Mga nanay na tooto ang mga yon! Serbisyong sila muna bago ikaw ang kanila! Ala-langit ang mga kailangang sitwasyon doon ng di magambala ang pag-iisp ng mga bisita para sa ikabubuti ng kanilang misyon at pakikipag-ugnayan sa lahat ng kanilang misyon sa GPF at lahat na! Ikaw nga doon kung kaya mo yon! Nanay Dulce mga kasama nyo pati na sa registration, taga sablay ng bulaklak, taga salubong mula airport hanggang paglipad balik, pa-bless po! Salamat po sa serbisyong makalangit po! Nawa'y matikman po namin din yon. ehe. dyoks lang po! Congratulations po sa grupo nyo!
Papano yong mga naiwang mga basura, litters at iba pa? May taga-pulot po, mga basurerong tulad ko. Ganda nga lang ng name ng team nila, waste management! Naks, talo ang payatas! Wag pong magtaka kung di pa sila nakauwi until now. Nagawawalis at naglilinis pa po sila sa Luneta, Quirino grandstand at Manila Hotel (kasali pa ba doon?). Yong mga portalets po ba sa inyo din? Ngeeee!!! May pera po sa basura mga dears! Ingat lang po sa mga bakters dyaan! Palakpakan naman natin silang mga Global Aids for Peace! Bakit? Metro aids lang ba ang alam nyo? Basurero man, pang world-class naman sila kaya Global aids at di metro-aids! Salamat po mula sa puso!
May taga gawa ng flyers, may taga design ng banners at streamers, may taga record sa u-tube at intl communications, taga gawa ng program, yong sekretaryat lalong pumayat, may taga-distribute ng kandila kahit tapos na ang Nov 1, medical aids, taga wagayway ng banderas (sakit sa balikat yon)... hmmmmm ang dami pa! Di man masabi kung ano ang mga pagsasakripisyo nyo pong lahat, arigato guzaimasu!!!!
May food preparation team din, Naku! Eto ang pinakadelikado! Pagmahuli ka, hay-blad ang magutuman! Pag-nagapang at naunahan ng pusang 2 ang paa, naku, sira ang bilangan! Nawa'y may natira pa po, puedeng humirit! Sarap ng serbis at pods nyo po! Salamat din po sa inyong mala ajinomotong sarapods!
Sa mga galing probinsiya, ang mga delegasyones nila, kailangan mamasahe at mag register plus yong center nila din dapat bayaran buwan-buwan. Laki din ng nadale sa pinansyal nila. Kaya lahat talaga higpitan ng sinturon! Ganoon pa man, biyahe sila, gastos ng pamasahe, panresingan, para makipag pis-pisan sa quirino grandstan! Di po nalilimutan ang mga malaking sakripisyo ng mga provincial centers at regions po! Nawa'y maka panreys pa rin po kayo ng malaki bago ang uwian! Ingat po sa biyahe at salamat po sa inyong pagdalo't sakripisyong totoo!
Drayber nga lang, pero ikaw nga kung kaya mo bang mag drayb ng 48 oras na walang tulugan! Aba! Wag namang ganyanan! Banggaan ang kahihinatnan! Pero, totoo po, halos minutos na lang ang tulog nga mga drayber dito at drayber dyan! Di lang si Doms, si Ruben, si Joven si... silang lahat.. pati na ang alternate draybers nila. Kasali na yong mga galing din sa malalayong lugar. Mga drivers, wag lang maki-text-text habang nag drayb ano po! Pakidilat lang po ang mga mata kahit natutulog habang nag drayb! Ngeee!!!!! Salamat po sa ala-milagrong pakikipagsagupaan nyo sa oras ng mga ebents at playt ng mga bisitas! Nawa po'y walang nagyaring sakuna! Salamat po sa inyong tagumpay na pag drive sa lahat!
Eto po, medyo madugo! kailangan kasi, wag nang mamalengke, wag ng bumili ng gamot, wag ng kumain ng sobra isang ulam para makaipon ng pangdonasyon para sa pis rali! Nagku-kuriputan ang mga mag-asawa dahil nga kelangan may pang rehistro at pang donasyon sa ginawang GPF. Ang iba, lalo na ang mga nasa malayo at ibang bansa, ninais na nilang makapagpadala ng donasyon kesa ipamasahe nila o ibili ng mamahaling tiket dolyares. Di na sila nakapanood, di na sila nakakain ng maayos, basta may pang donasyon na rin para sa kapayapaan! Mga mag-asawa at nagsakripisyo para sa mundong kapayapaan, maraming,maraming saalamat po sa inyong sakripisyo. Nawa'y basbasan pa po kayo ng ating mahal na Panginoon po! Palakpakan natin ang mga donors! Naman, naman, naman!!!!
Sa inyong website po sa http://www.familytimes.net.ph/ may ginawang random na running updates habang ginaganap ang parada at ang main event sa Quirino grnadstand. Biruin mo bang nasa Japan ka at ang ikokober mong ebent e nasa Manila. Mas grabe pa na ang situationers na nagbibgay sa iyo ng updates e nasa Dubai, Middle East, sa Fokouka ng Southern Japan. Buti na lang at may mga peace advocates galing Bantayan, Cebu si Genny Caranzo at Santillan tribe, at isang galing La Union si Peace Ambassador Felix Sanchez. Sila ang nagbigay ng mga situations, at mga pangyayari sa Kamaynilaan habang ginaganap ang GPF peace rally. Salamat sa IT, sa internet, sa cellphones, sa chikka at yahoo. Mabuhay po kayong lahat mga dakilang reporters ng langit!!!! Dahil sa inyo, nabiyayaan ang mga nasa mamalayong lugar tulad ng Africa, sa Chad, sa India, sa Pune, Amerika, Japan, Korea at ibang sakop ng daigdig! Peace to all of you men!
At sa lahat na nakikipag tuwaran, nakikipag tilian, nakipag dasalan, bidyelan, kantahan at basahan para sa pakikipag-isa ang mundong spiritual at pisikal, magkaisa para sa maging matagumpay na GPF sa Manila, maraming samalat po! Nangyari at natupad ang dalangin ninyo, nating lahat!
Nasa likuran ng kurtina o tabing man po kayong lahat, kayo po ang mga makinaryang nagpalakad sa naging matagumpay na Global Peace Festival 2007!
Sa dakilang True Parents, True Family at mga UPF leaders galing sa iba-ibang lupalop ng daigdig, Eog Mansie!
Basbasan nawa po kayo ng ating Poong Maykapal at Dakilang mga Magulang.
No comments:
Post a Comment