Tuesday, January 15, 2008

Sindihan mo na... malapit na

Anak ka ng tipaklong!

Noong unang taon ko na may dala-dala akong baon na salbutamol, di mo ako kinatok. Tatlong taon makalipas, saka mo lamang ako hihimas-himasin, kikilitiin at palaway-lawayin? Pati ilong koy dumudugo sa iyong gabi-gabing panghaharana! Bakettt ngayon ka lang ????!!!!!!

Apol dyos! bakeeetttt mo ako pinapahirapan? Expire na ang tatlong nasal spray ko. Ni di ko man lang nagamit pa ang mga yon! Mahal ba naman at pilit pang preniskrayb yon ng kaibigan kong doktor. Nngayong wala na ang mga gamot ko, araw-araw, gabi-gabi, akoy pinapasipol sa aking paghinga nitong lintugang hikkkaaaaaaa!!!!! bweeeeesssssssssss---hatttttttttsinggggggggg!!!

Sa pagtatakipsilim ng hapon, iba na naman ang temperatura. Sara ang bintana, kurtina at iba pa! Wag nyo ng sindihan pa ang de-gaas na heater!!!! Amoy nya'y tila ay sa akin kumakaladkad tungo sa nag-aantay na puntod! Pwe!!!!

At habang nakasara, uumpisa din sasara ang pintuan ng aking ilong, na maghihirap na namang humataw sa paghinga. Ganoon pa man, maririnig mong tila sumisipol na rin ang aking paghinga habang sumisikip na rin ang dighay ng aking dibdib!

Baradong ilong, masikip na dibdib at nabibinging tenga...... hudas kaaa!!!!!!!! Anong kasalanan ko at ako pa ang pinahirapan mo?!?!?!?!

Sindihan nyo na po kandilang magbibigay sigla ng kanyang liwanag! Tila yata akoy malapit na.....sa anim na talampakang pababa mula sa lupang aking kinatatayuan!

Plis lang, kung ikaw ang mauna, pakisabi kay San Pedro, ihanda nya ang salbutamol na nasal spray ko, at kung di man ako pasadong pumasok sa kanyang mansiyong gina guardiyahan, plis namber tu, paki hagis na lang sa purgatoryo o impiyerno salbutamol na pamatay nitong lintugang nagpapasipol-sipol sa paghinga, asthma, hika, hotoy o hubak na eto.


nagmamakaawa habang sumisipol sa paghinga,

allan d sick man

2 comments:

MMFA said...

anak ng tipaklong...makata ka pala...bro allan! galing nito..

ace said...

eh, kung di ako mag isip ng gagawin habang nagpapagaling, naririnig ko lang ang sipol sa paghihingal ko. katas ng magdedeliryong isipan lang. tenks alv.