Friday, December 21, 2007

Araw ng Maylikha


Sinisindihang kandila, para ituwid ang landas ng dalangin tungo sa Maylikha! Larawan nga lamang eto, ngunit eto ang nakalarawan sa aking puso para sa inyo. Dinadalangin ko'ng di lang sa pasko kundi sa mga susunod pang mga taon, na nawa'y malusog, buhay, at makulay pa rin ang ating samahan at pakikibaka sa landas ng buhay.
May mga naging sagabal, sakuna man sa mga nagdaan, dinaanan at nalampasin din natin ang mga yon. Dasal kong mas higit pa at malakas ang pananampalataya at pakikipagsapalaran ang ating magagawa nitong darating pang taon, mga taon.
Kaligayahan sa atin at kapwa nating pamilya, kapitbahay at mga kaibigan;
Pagtatapos sa pag-aaral at mas masaganang buhay sa larangan ng propesyon o pamumuhay, di lang sa atin, pati na rin sa ating mga anak;
Sa simbahan, ang pagkakaisa, ang pagsasamahan, at pagbukas ng kani-kanilang pintuan upang salubungin ang lahat bilang isang pamilya ng Maylikha!!!
Maligayang Pasko, Maligayang araw ng Diyos! Manigong bagong taon sa ating lahat!

No comments: