Thursday, December 27, 2007

Nang Birhen pa kami quinse anyos na ang nakalipas

Nang masilayan ko ang larawang eto, naalala ko na higit quinse anyos na rin pala ang nakalipas mula ng magkatuwiran ang aming landas.


Sa kabila naman, andito din ang larawan ni papang at mamang noon, nang sila'y mga birheng dalaga at binata pa noon.
Agusto 24, 1992 eto noon ng kami ay nabigyan ng blessing toast sa holy wine ceremony. Kitang kita pa rin dito ang kagandahan ng aking walang iba at nag-iisang asawa't kaibigan (kaaway din sa debatehan, minsan o kadalasan). At kita rin dito ang di ko nakasanayang ternong amerikana sa aming pag-iisang dibdib ng darling ko. Naks! (totoo naman.)


Kung pagbabalik-tanaw din lang naman, marami din ang magagandang tampok sa buhay. Isa na dito ang aming nawala ng pagkabirhen. Hahahahaha! Alangan naman na ihabambuhay ko pa ring kipkipin ang pagkabirhen namin? Kaya nga kasal e, nang maramdaman di natin ang buhay ng pag-iisa, di lang sa dibdib, kundi lahat na (bahala ka ng mag imahinasyon dyan!)


Ngunit kita din ang pagkabagay ni misis sa kanyang kulay pink na damit. Di ba? Ang ganda talaga niya dito. 180 na baliktad sa unang larawang nakuha ko ng ako'y pinagsabong na ng tadhana! Ehe!



Buti na lang at may teknolohiyang nakakabigay daan sa magandang pagbabalik-tanaw.


Para sa inyo mga anak, eto kami noon ng kami ay birhen pa ng mama nyo! Ganda't pogi namin noon ano? Hmmmm.... walang tsokoleyt pag-aangal!

No comments: