Tuesday, December 4, 2007

Desyembre y kuatro

Umuulan, makulimlim ang panahon dito sa lupang Hapon
Ang sabi sa TV e mag iisnow pa nga daw ngayon.

Sa bandang Tokyo, si kuya Eric daw ay darating
bakit naman venue ng kitakits ay sa tren- esteysyon?

Salamat Reuben sa pinax mong imbitasyon
Ngunit Nagano di lang malayo, mahal pa ang donasyon
Perang pang tiket, sa gamot ni Inday na lamang ituon.

Ubo't sipon, plas hika ko ang kondisyon
Kapag ganitong winter, init at lamig nagsasabong
hirap mong huminga kelangan postehan mo nag ilong.

O Inday! Ganito na lamang ba talaga ang buhay sa Hapon?
Buti na lang, paalala ni Hyun Jin Moon, mag gratitude daw sa anong meron.

Mamaya pag uwi, lakad sa ulan, lamig na zero degreeng panahon
Sobrang lamig, parang ays kending suman balot na balot.
Allan sa winter lima-lima lang sapaw nyang pantalon!

(isinulat habang nag kopibreak sa opis!)

No comments: